Ako'y Sa `yo, Ika'y Akin

First Circle

Ikaw na ang may sabi na ako'y mahal mo rin

Ang sinabi mong ang pag-ibig mo'y di magbabago

Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit, ika'y lumalayo

Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba

Di ba nila alam, tayo'y nagsumpaan

Na ako'y sa'yo, at ika'y akin lamang



Kahit anong mangyari pag-ibig ko'y sa'yo pa rin

Kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin

Ang mahal, maghihintay ako kahit kailan

Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na

At kung di ka makita, makikiusap kay bathala

Na ika'y hanapin at sabihin, ipaalala sa iyo

Ang nakalimutang sumpaan

Na ako'y sa'yo, at ika'y akin lamang



Umasa kang maghihintay ako kahit kailan

Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na

At kung di ka makita, makikiusap kay bathala

Na ika'y hanapin at sabihin, ipaalala sa iyo

Ang nakalimutang sumpaan

Na ako'y sa'yo, at ika'y akin lamang